Alam mo bang parang damo ka?🌿

Friend, nasa huling araw na tayo sa ating series, “Ang Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103.” Marami ka na bang nakikitang halimbawa ng kabutihan ng Panginoon sa linggong ito? Sana’y nakatulong itong bigyan ka ng larger picture of His love, grace, and goodness!
Narito ang huling bahagi ng Psalm 103 na babasahin natin ngayon:
Ang buhay ng tao ay tulad ng damo.Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.At kapag umiihip ang hangin,itoʼy nawawala at hindi na nakikita.Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos.At ang katuwirang kanyang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. (Salmo 103:15-18 ASND)
It’s a sobering thought, isn’t it? Na ang buhay pala natin ay parang damo, na mabilis mawala? But in this Bible passage, the Psalmist contrasted the brevity of our lives with the everlasting love of God. Kaya good news ito, hindi ba? Kahit na mabilis palang mamatay ang tao, ang pag-ibig Niya ay hindi katulad nito na mabilis ding mawala; He wants to reassure you that His love never changes, never fades, never fails!
Minsan ba, Friend, natatakot kang mawala ang pag-ibig ng Panginoon? Tanggapin mo ngayon itong pangako Niya. Pwede mong dasalin ito, “Jesus, salamat at ang pag-ibig Mo sa akin ay walang hanggan, at ang iyong katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa aking angkan. Gusto kong lalong makilala ka at maranasan ang pagmamahal mong ito. In Jesus’ name, amen.”
Kahit na patapos na ang series nating ito, we encourage you to keep reading this Psalm over and over, maybe once every morning, at lalo itong magiging katotohanan sa buhay mo.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

