• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 29, 2025

Alam mo bang mabubuhay din tayong muli? 🤩

Publication date Hul 29, 2025

Narito tayo ngayon sa ating series for this week, “Ang Galing ni Jesus!”. Let’s continue looking at the descriptions of Jesus in the Book of Revelation in the Bible.

Kahapon, binasa natin ang verse na ito. Let’s read this again today, at pag-usapan natin ang pangalawang bahagi nito:

Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. (Pahayag 1:5 ASND)

Nakita mo ba? Si Jesus daw ang unang nabuhay mula sa mga patay. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Bilang mga Filipino, karamihan sa atin ay may knowledge about how Jesus died on the cross and rose from the dead on the third day. Pero alam mo bang hindi lang pala Siya ang kaisa-isahang bumalik mula sa pagkamatay? The good news of what He did is that, by defeating death, nabigyan Niya rin tayo ng power over death. Which means that even if we die, someday we will rise again.

Ang galing pala ni Jesus ano? Hindi lang Siya bumalik na buhay, kundi Siya ang unang nabuhay na muli. Ibig sabihin, may mga kasunod pa, which is all of us who believe in Him.

Kung natatakot kang mamatay o ang mga mahal mo sa buhay ang mawala, ito ang tandaan mo: ang lahat ng sumusunod kay Jesus ay maaaring mabuhay muli, at magkaroon ng buhay na walang-hanggan. Nakakamangha, di ba?

Let’s pray this together: “Jesus, ang galing at Ikaw ang unang nabuhay mula sa mga patay. Turuan mo akong paniwalaan ang pangako mong mabubuhay muli ang lahat nang naniniwala at sumusunod sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.