Alam Mo Ba ang Totoong Halaga Mo sa Kanya?🥰
Kapag sunod-sunod ang failures, nonstop ang problema na parang wala nang solusyon, at yung pain sa puso ay hindi na nawala, mapapatanong ka talaga: “May kwenta pa ba ang buhay ko? May halaga pa ba ako?” Dumaan ka na ba sa ganitong pakiramdam?
So many of us struggle with those kinds of thoughts. That’s why this week, we’re focusing on our series:, “Discovering Your True Worth: Uncover the Value God Sees in You.”
Let me ask you this: how do you determine the value of something? Kapag may gusto kang bilhin, hindi ba the price you’re willing to pay is actually the value you put on it? Halimbawa, may gusto kang bilhing pagkain o inumin, iniisip mo ba kung worth ito sa presyo niya?
Ganoon din si Lord. Malalaman natin kung ano ang halaga natin sa Kanya based on what He is willing to pay for us. Let’s read this verse from the Bible:
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin. (Mga Taga-Roma 5:8 ASD)
Nakikita mo ba? Kahit noong makasalanan pa tayo, noong hindi pa tayo malinis o maayos, pinili na Niyang ibigay ang pinakamahalaga sa Kanya: ang buhay ng kaisa-isang Anak Niya, si Jesus.
Let’s pause for a moment and reflect on this. Can you see how important you are to Him, that He would give His life just to bring you back to Him?
Pwede mong dasalin ito, “Lord, minsan nahihirapan akong maniwala na may halaga ang buhay ko. Tulungan mo akong makita ang pagmamahal Mo, that You gave Your life for me. Thank You, Lord. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!