Alam Mo Ba ang Tiniis Niya? 🤯 The Cross Changes Everything.
Nakaranas ka na bang mag-join sa isang competition na kailangan mong mag-practice for days, weeks, or even months? May kaibigan ang anak namin na under training to join international competitions in archery. Nakikita namin ang kanyang disiplina at dedikasyon—the grueling hours he puts in to practice, the things he gives up to stay focused on his sport.
Why do we bring this up? Because as we wrap up Part 1 of our Easter Series, “Arms Wide Open: Looking at the Cross,” let’s look again at what the cross means for us as we consider what it cost Jesus. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos. Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob. (Mga Hebreo 12:2-3 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi basta-basta ang nangyari sa cross. This week, we went through some descriptions of the scourging. Alam mo ba na ang death by crucifixion ay sobrang sakit din? Scientifically, a person dies slowly, and painfully, in what feels like suffocation. And crucifixion was also designed by the Romans to be a very humiliating death sentence. Napakabigat ng tiniis Niya, at sa kamay pa ng makasalanang taong Siya mismo ang lumikha.
Pero ang lahat ng ito ay tiniis Niya dahil inisip Niya ang kaligayahang naghihintay sa Kanya—ang makasama ka magpakailanman. Magpasalamat tayo sa Kanyang pagmamahal!
Tandaan mo, isa kang miracle!