Akala mo KSP ka? Nope, pansin ka ni Lord—all this time! 🥹

Ever felt like the whole world forgot you? Yeah... it hits different.
As we continue our series today, “Little Lessons sa Buhay ni David,” let’s take a look at a moment in his life that shows exactly that. Kahapon napag-usapan nating pastol si David ng mga tupa. Isang araw, dumating sa bayan nila—at sa tahanan nila—ang propetang si Samuel. Sa mata ng buong bayan, napakahalaga ng taong ito. Sinabi ni Samuel sa ama ni David na si Jesse na siya’y sasalo sa kanilang bahay, at pinapatawag ang lahat ng kanyang mga anak, dahil may pipiliin ang Panginoon mula sa kanila na gagawin Niyang hari.
Alam mo ba kung anong nangyari? Tinawag ang lahat ng anak ni Jesse—except for David! Tingnan mo ang nakasulat sa Bible:
Pito na sa mga anak ni Jesse ang pinapunta niya kay Samuel, pero ganito ang sinabi ni Samuel sa kanya: “Wala ni isa man sa kanila ang pinili ng Panginoon.” Tinanong ni Samuel si Jesse, “Sila na bang lahat ang anak mo?”
Sumagot si Jesse, “May isa pa, ang bunso, pero nagpapastol siya ng mga tupa.” (1 Samuel 16:10-11 ASD)
Nakikita mo ba? Kung hindi tinanong ni Samuel, malamang nakalimutan na ni Jesse ang bunsong anak na si David. Ang kanyang dahilan? Nagpapastol lang daw ito ng mga tupa—na para bang ayos lang na hindi siya makasama sa pagtitipon kasama ang propeta.
Possibly, this was just a glimpse into how David was generally treated by his family. But the good news is, hindi siya nakalimutan ng Panginoon. Ito ang sumunod na nangyari:
Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo siya. Hindi tayo magpapatuloy sa ating gagawin hanggaʼt hindi siya dumarating.” (1 Samuel 16:11 ASD)
Ang galing ano? Lahat pwedeng makalimot—pero si Lord, never ka niyang nakakalimutan.
Tandaan mo, isa kang miracle!

