Afraid Still?
Have you ever had a season when you thought, “Lord, akala ko okay na. Bakit parang ang gulo na naman?”
Minsan, kahit ginagawa naman natin ang best natin, may mga bagay pa ring hindi natin kayang ayusin. May problema sa pamilya, uncertainty sa work, struggles sa relationships, or even an old wound na akala natin healed na.
As we wrap up our series, “Lord, I Want to Be Whole,” maybe this is one of the most important things we can remember: following Jesus doesn’t mean a life without problems. It means learning how to walk with Him when problems come.
Ipinapaalala sa atin ng Salmo 34:19-20 AS:
Marami ang paghihirapng mga matutuwid,ngunit inililigtas sila ng Panginoonsa lahat ng ito.Silaʼy iniingatan ng Panginoon,at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.
Minsan, dumarating ang paghihirap kahit tapat naman tayong sumusunod sa Panginoon. May mga pagsubok din na akala natin ay nalampasan na, pero muling bumabalik. Sa mga panahong ito, maaari tayong malito at maramdaman na parang naliligaw na tayo.
Kaya kapag hindi mo maintindihan ang nangyayari, balik tayo sa mga bagay na alam nating totoo tungkol sa Diyos:
-
I know that God is a good God (Psalm 25:8)
-
God’s ways are for my good. (Psalm 19:10-12)
-
I know that God is fair to me. (Deuteronomy 32:4)
-
God will never leave me. (Hebrews 13:5)
-
I know that God is my strength (Isaiah 40:29).
Hindi mo kailangang matakot, kasi God can turn your problems to good kapag ibinibigay mo ito sa Kanya.
Tandaan mo, isa kang miracle!