A love that never changes? Too good to be true ba?
Sabi ng marami, walang forever! Eh kasi naman, ang sakit talaga! ’Yung breakup na feeling mo hindi mo deserve kasi ginawa mo naman ang lahat. ’Yung biglang umiwas sa’yo ang super close mong kaibigan. We try so hard na huwag mawala ang mga taong mahal natin, pero may mga pagkakataon talagang hindi ito maiwasan. Not all close relationships stay close forever, and that’s one of the hardest changes that we go through in life. Ever experienced this kind of heartache?
That’s why we’re glad that as we continue our series, ‘He is the same yesterday, today, and forever,’ we can look at how Jesus Himself is once and always the One who loves us—at hindi ito nagbabago kailanman. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi:
“Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan.Sa aking kagandahang-loob,pinalapit ko kayo sa akin. (Jeremias 31:3 ASD)
Nakikita mo ba? In this Bible passage, inilarawan ng Panginoon ang pag-ibig Niya na walang hanggan. Maaari rin nating sabihing ang pag-ibig Niya ay hindi nagbabago. In this life where almost nothing else is always secure, this is good news. Hindi kaya ito ang pinaka-kailangan natin sa buhay na ito—ang magkaroon ng pag-ibig na hinding-hindi nagbabago, kahit ano pa ang mangyari, kahit gaano katagal pa ang lumipas?
Kung nasasaktan ka sa pag-ibig na nagbabago o nawawala, pwede mo itong dalhin sa Kanya. Umiyak ka kung kailangan mo—naiintindihan ka Niya. Pero habang naroroon ka sa piling Niya, puwede mo rin itong hingin sa Kanya, “Lord, salamat at walang pagbabago ang pagmamahal mo sa akin. Tulungan mo akong maranasan itong pag-ibig Mo sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!