• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 12, 2026

A Bigger Story Unfolding

Publication date Hul 12, 2026

May isang kwento kaming nabasa tungkol kay Theodore Roosevelt, isang dating presidente ng U.S. Isipin mo nga naman, kapag ikaw ang namumuno sa isang bansa, lalo na sa napakalaking bansang gaya ng America, napakabigat ng mga responsibilidad na pasan mo araw-araw. Napakadaling mapagod, mabigatan, o mawalan ng pag-asa sa dami ng mga suliraning kailangang harapin at ayusin. Ngunit may isa siyang kaibigan na lagi niyang kasamang lumabas ng bahay tuwing gabi, at magkasama silang tahimik na nanonood ng mga bituin. Pagkaraan ng ilang sandali, ngingiti raw si President Roosevelt at sasabihin, “OK, I feel small now. We can go in now.” 

Naranasan mo na bang maramdaman na parang pasan mo ang buong mundo? Na para bang kung hindi ka kikilos, walang mangyayari, at hindi naman tumitigil ang pagdating ng mga problema at mga gawaing kailangang asikasuhin? 

May mga panahong ganoon ang pakiramdam namin. And one of the peak times we experienced this was when we fostered the two older children. Napakarami naming natutunan tungkol sa mga pinagdaanan ng mga bata sa orphanage, and our hearts broke over the heaviness. Dahil sa bigat ng aming mga nakikita, ginusto naming gawin ang lahat para matulungan sila. 

Pero sa huli, kinailangan talagang ilipat sila sa ibang foster parents. Nahirapan kaming tanggapin na hindi sila mananatili sa aming pamilya. Akala namin, kami pa rin ang tamang pamilyang makakatulong sa kanila. Buti na lang, tinulungan kami ng aming mga mentors na maintindihan na minsan, may iba talagang plano ang Panginoon para sa kanila. Minsan, marami Siyang mas malalaking plano na hindi natin agad-agad nauunawaan. (Isaiah 55:8-9)

May isa kaming paboritong kanta na may lyrics na, “Catch me up in Your story, all my life, for Your glory.” Pwede kaya nating gawing ganito ang mindset natin? 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.