LUMO Bible Films
Ano ang Lumo?
Sa mga Lumo films, the Bible comes to life! Ang mga Ebanghelyo — ang mga aklat nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan sa Biblia — ay ginawang pelikula gamit mismo ang literal Bible text as the script. Sa ganitong paraan, the life of Jesus is impressively portrayed — makikita at mararamdaman natin ang kwento ng buhay ni Jesus sa isang makabagbag-damdaming paraan.
Ang Ebanghelyo ni Juan
Panoorin kung paano isinabuhay ang Bibliya sa pelikulang ito ng LUMO tungkol sa Ebanghelyo ni Juan! Makikita ang buhay ni Jesucristo sa pamamagitan ng mga mata ng isa sa Kanyang pinakamalapit na kaibigan, Si Juan.
Ang Ebanghelyo ni Lucas
LUMO: Ang Ebanghelyo ni Lucas. Isang kumpletong pagsasalaysay ng kwento ni Jesus , na ibinahagi ng isa sa Kanyang pinakamalapit na kaibigan. Ang Ebanghelyo ni Lucas ay isa sa apat na pelikula ng LUMO na muling isinasalaysay ang unang apat na aklat ng Bagong Tipan, gamit lamang ang teksto ng Bibliya bilang script!
Ang Ebanghelyo ni Marcos
Panoorin kung paano isinabuhay ang Bibliya sa pelikulang ito ng LUMO tungkol sa Ebanghelyo ni Marcos. Makikita ang buhay ni Hesucristo sa pamamagitan ng mga mata ng isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan, si Marcos.
Ang Ebanghelyo ni Mateo
Panoorin kung paano isinabuhay ang Bibliya sa pelikulang ito ng LUMO tungkol sa Ebanghelyo ni Mateo! Ang Ebanghelyo ni Mateo ay ang pinaka-detalyado: isinasalaysay nito ang Kanyang mga aral, Kanyang karunungan, Kanyang mga pag-uusap, Kanyang mga himala, Kanyang kamatayan sa krus, kanyang muling pagkabuhay, at ang Kanyang pag-akyat sa langit.