• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Saan nagmula ang mga Christian holidays?

Ang ating calendar ay puno ng mga Christian holidays — Christmas, Easter, at Carnival. All throughout the year, ipinagdiriwang ng mga Christians all over the world ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Jesus. May mga cultural differences kung paano ipinagdiriwang ang mga events na ito, pero iisa ang layunin — ang maglaan ng oras upang alalahanin ang Kanyang kapanganakan, pagdurusa, kamatayan, at muling pagkabuhay.

Ano ang kahulugan ng Christmas o Pasko?

Ang Pasko ang unang holiday na ipinagdiriwang sa Christian calendar. Christmas marks the birth of Jesus — isang bagong simula sa pagitan ng Diyos at ng tao.

Bakit may pagdiriwang ng Three Kings?

Ang Three Kings o Tatlong Hari ang mga unang bisita ni baby Jesus. Ang holiday na ito ay ipinagdiriwang upang alalahanin ang sandaling nakilala ng mundo si Jesus. Ang Three Kings ay tinatawag din na Epiphany o Revelation — ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili. Paano ipinagdiriwang ang Three Kings?

We take a big step sa buhay ni Jesus. Nang umabot Siya sa edad na 30, naglakbay Siya sa iba't-ibang lugar at tinipon ang isang grupo ng Kanyang mga kaibigan kasama Niya. Ang Bible ay may mga kwento tungkol sa extraordinary encounters at teachings ni Jesus. We get back on the holiday trail nang si Jesus ay may ilang buwan na lamang bago Siya ipako sa krus. Sa mga iba't-ibang pagdiriwang na ito, ipinapakita ang Kanyang suffering in various ways. First off: Carnival.

Anong ibig sabihin ng Carnival?

Ang Carnaval ay literal na nangangahulugang carne vale, na ang ibig sabihin ay “paalam sa karne.” Ang masayang feast na ito ay ipinagdiriwang nang masigla upang salubungin ang Lent o Kuwaresma, na nagsisimula pagkatapos ng Carnival.

Bakit tayo nag-aayuno sa Kuwaresma?

Forty days bago ang kamatayan ni Jesus, nagsisimula ang Lent. In the Bible, madalas nag-aayuno ang mga tao upang maka-focus sa Diyos. Ang hindi pagkain o pag-inom for a while ay madalas nakakalinis ng kaisipan — a time of reflection. Pero ito rin ay nakikita bilang isang sacrifice — giving up something upang ipakita kung gaano ka nagpapasalamat sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin.

Ano ang Palm Sunday?

Ang simula ng wakas. Ang Linggo bago ang Easter o Pasko ng Pagkabuhay. Dumating si Jesus sa lungsod ng Jerusalem, ang capital. Siya ay sinalubong na parang isang bayani. Everyone is waving palm branches, kaya ito ay tinawag na Palm Sunday.

Ngunit sa loob lamang ng ilang araw, mood changed. Ang mga nasa kapangyarihan ay hindi natuwa sa masayang pagtanggap sa Kanya. Nagplano sila na alisin Siya.

Ang ang mabuti sa Good Friday?

Nahuli si Jesus at nahatulan ng kamatayan. Ang araw na Siya ay namatay ay tinatawag na Good Friday. Sa totoo lang, a very sad day kung iisipin mo. Anong mabuti rito? Pero naniniwala ang mga Christians na ang Kanyang kamatayan ay hindi ang katapusan. Three days later, sa Easter, Siya ay muling mabubuhay. And that’s good news. Paano ipinagdiriwang ang Good Friday?

Bakit natin ipinagdiriwang ang Easter?

Easter is the holiday that it’s all about. Matagal ng nais malaman ng mga tao: Sino si Jesus? Ito ang sandali kung saan ipinapakita ni Jesus kung sino Siyang talaga: ang Anak ng Diyos. God is stronger than death, kaya napagtagumpayan din ni Jesus ang kamatayan. Ang Kanyang kamatayan ay itinuturing bilang ultimate sacrifice na ginawa ng Diyos upang ayusin ang ugnayan sa pagitan Niya at ng mga tao. Watch a beautiful Sandy Tales on Easter here.

Jesus lives! Sa loob ng 40 days, nakipag-usap Siya sa mga tao at sinubukang turuan ang Kanyang mga kaibigan ng higit pa tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Pero hindi Siya puwedeng maglakbay sa earth forever. Kailangan nang magpaalam sa Kanya ang Kanyang mga kaibigan during His Ascension.

Ano ang Ascension Day o Araw ng Pag-akyat sa Langit?

Ang holiday na ito ay maaaring the strangest celebration sa lahat. Ang pag-akyat ni Jesus sa langit. As crazy as it may sound, isa itong napakahalaga at essential na sandali sa buhay ni Jesus. Bumalik si Jesus sa piling ng Kanyang Ama bilang Anak ng Diyos. Sa Ascension Day, iniwan ni Jesus ang Kanyang mga kaibigan. Ang Kanyang tungkulin sa mundo ay natapos na.

Ano ang Pentecostes?

Naiwang mag-isa ang Kanyang mga kaibigan. Hindi talaga nila alam kung ano ang kanilang susunod na gagawin. Jesus has always been their leader and inspiration. Kung saan Siya magpunta, sumusunod sila. At ngayon? Nakaramdam sila ng pag-iisa at kawalan ng kontrol. But then, sampung araw pagkatapos ng Ascension ni Jesus, nagbago ang lahat. Hindi sila iniwan ng Diyos. Pinuno Niya ang kanilang mga puso ng passion at desire. Hindi na namumuno ang Diyos mula sa itaas, kundi from within. Ang Pentecostes ay isang bagong simula.