• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Fan ka rin ba ng The Chosen? Kami rin!

Samahan sina Mark at Yen sa isang daily adventure as we dive deeper into The Chosen and the Bible—because you are Chosen to be a Miracle!

Mag-sign up today at magsimulang tumanggap ng May Himala Every Day simula bukas ng umaga!

Never forget: Isa kang miracle!

App

Wala ka bang email? Download the app at tumanggap ng daily encouragement diretso sa phone mo. Available ito sa Apple at Android devices.

I-click lang ang isa sa mga options sa ibaba, at automatic kang dadalhin sa App Store o Google Play Store!

Facebook Messenger

May Himala Every Day is also available on Facebook Messenger. Mag- sign up para makatanggap ng daily encouragement in your Messenger inbox— every day.

After i-click ang button, make sure to send the pre-filled message to confirm!

Meet Yen

Hi, ako si Yen Cabag, isa sa mga writers ng May Himala Every Day. Konting kuwento lang about me: I'm a homeschooling mom, writer, at entrepreneur. We advocate for Charlotte Mason homeschooling, kung saan nag-eenjoy kaming buong pamilya sa magagandang books, art, music, nature, at marami pang iba. Enjoy din akong magbasa, magsulat, at gumawa ng kung anu-ano: magluto at mag-bake, sumulat ng mga kuwento, songs, school materials, at gumawa ng handicrafts like crochet at knitting. Even back in high school and college, ang laging laman ng bag ko ay at least isang libro at ang journal ko. I’m more comfortable spending one-on-one time with my close friends than being in big groups, at mas prefer ko rin ang deep conversations over small talk. Ngayon, isa sa mga favorite me-time activities ko ang maghanap ng ‘treasure’ sa mga secondhand bookstores. As a family, enjoy din naming lumabas sa nature—like sa beach, tabi ng ilog, at sa mountains. Kaya nga masaya kami sa aming maliit na bahay sa bundok kung saan nararanasan namin ang unhurried and simple provincial life.

Meet Mark

Hi, ako si Mark Cabag. Isa ako sa mga nagkukuwento at nanghihikayat sa inyo sa May Himala Every Day. Let me share a bit of my story: Si Yen ang aking magandang asawa, at nabiyayaan kami ng tatlong boys who love going on adventures with us! Mahilig akong tumakbo at mag-hike sa mountains with my family. Mahilig din ako sa music bilang isang drummer. Kahit noong bata pa ako, hindi talaga ako avid reader. Pero noong nag-umpisa kaming mag-homeschool, natutunan kong mahalin ang pagbabasa. It really brings my heart to life, and I feel at peace because of it. Mahilig din akong magsalita at makipag-usap mula sa puso to help people find meaning and purpose in life. Isa sa pinakamahalaga sa akin ay ang mga batang ulila. Dalawa sa tatlong anak namin ay dumating sa family namin through adoption, at mahal na mahal namin sila! Gusto kong maging voice ng mga voiceless na ito. I dream of seeing our city with no more orphaned children—na makita ang mga batang ito na umuuwi sa isang safe at loving family. I hope that one day, in every community, may isang pamilya para sa bawat batang ulila. At darating ang araw na ang Pilipinas ay hindi na maituturing na isang fatherless nation. Hindi perfect ang journey ko, pero nakita ko ang dramatic change simula nang i-practice ko ang art of listening. The more I listen, the more naiintindihan ko ang mga taong mahal ko at ang mga nasa paligid ko. Sabay tayo sa adventure na ito, because I believe that together we can make the world a better place to live!


Would you like to receive May Himala Every Day sa ibang language?

I-click ang button sa ibaba para malaman kung anong languages ang available para sa daily encouragement!

I-follow kami sa social media!