• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Meet Yen

Hi, ako si Yen Cabag, isa sa mga writers ng May Himala Every Day. Konting kuwento lang about sa akin: Isa akong homeschooling mom, writer, at entrepreneur. Nag-aadvocate kami for Charlotte Mason homeschooling, kung saan nag-eenjoy kaming magpamilya sa mga magagandang books, art, music, nature, at marami pa. Nag-eenjoy din akong magbasa, magsulat, at mag-create ng kung anu-ano: magluto at mag-bake, sumulat ng mga kuwento, songs, school materials, at lumikha ng mga handicrafts like crochet at knitting. Kahit noon pang high school at college ako, ang lagi kong bitbit sa bag ko ay at least isang libro at ang journal ko. Mas comfortable akong magspend one-on-one time sa mga close friends ko compared sa big groups, at mas prefer ko rin ang deep conversations over sa small talk. Ngayon, ang isa sa mga favorite me-time activities ko is ang maghanap ng “treasure” sa mga secondhand bookstores. As a family, enjoy din naming lumabas sa nature, like sa beach, sa tabi ng river, at sa mountains. Kung kaya nga nag-eenjoy kami sa aming maliit na bahay sa mountain kung saan nae-experience namin ang unhurried and simpleng buhay-probinsya.

Meet Mark

Hi, ako si Mark Cabag. Isa ako sa mga nagkukuwento at nanghihikayat sa inyo sa May Himala Every Day. Pagbigyan nyo po akong i-share ang aking kuwento: Ang asawa kong maganda ay si Yen, at nabibiyayaan kami ng tatlong boys na mahilig sa adventure kasama namin! Mahilig akong tumakbo at maghike sa mountains kasama ang family ko. Mahilig din ako sa music bilang isang drummer. Kahit na noong bata ako, hindi ako avid reader, noong nag-umpisa kaming maghomeschool, natutunan kong gustuhin ang pagbabasa. Nakikita kong binubuhay nito ang heart ko at nafi-feel at peace ako! Hilig ko ring magsalita at makipag-communicate from my heart para tulungan ang mga tao to find meaning and purpose sa buhay. Isa sa mga bagay na pinakamahalaga sa akin ay ang mga batang ulila. Dalawa sa tatlong anak namin ay dumating sa family namin through adoption, at mahal na mahal namin sila! Gusto kong maging voice para sa mga voiceless na ito. Gusto kong makita ang city namin na wala nang ni isang ulilang bata, na makita ang mga batang ito na umuuwi sa safe at loving family. Gusto kong makita na one day, sa bawat community, may isang pamilya para sa isang batang ulila, at ang Philippines ay hindi na maituturing na fatherless nation. Hindi naman perfect ang journey ko. Pero nakikita kong dramatic ang pagbabago simula ng i-practice ko ang art of listening. The more I listen, the more kong naiintindihan ang mga taong mahal ko at ang mga nasa paligid ko. Sabay tayo sa adventure na ito, dahil alam ko, together we can make the world a better place to live!